This is from a Tagalog Psalter. But you can just speak it. Slightly slower speed than normal, please. Thank you.
Salmo 104 – Ang Kadakilaan at Biyaya ng Diyos
Purihin ang Diyos!
O kalul’wa ko;
S’yang kamahalan
Na bihis ay dangal;
Nababalot S’ya ng
Kaliwanagan,
Langit N’ya’y tabing;
Silid N’ya’y karagatan.
Karwahe’y ulap,
Sasakya’y hangin,
Unos at apoy
Utos N’ya’y susundin;
Sandigan ng lupa’y
Kan’yang tinatag,
Dinamtan ng tubig
At di mabubuwag.
Daloy ng tubig
Sa mga parang,
Libis at bundok -
S’ya nga ang humadlang;
Hanggana’y takda Mo
Nang di balikan
Ng tubig ang lupa
Upang di matakpan.
Ipinadaloy
Bukal ng tubig
Mula sa bundok
Hanggang mga libis;
Pinawi uhaw ng
Hayop sa parang;
Ibong umaawit
Doon ang tahanan.