Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasa amin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami ng aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama.