Ngayon, gusto ko namang kausapin ang aking mga pilipinong kaibigan na naririto ngayong gabi. Adrian Aranas di mo ito inaasahan!
Mula sa Kaibuturan ng aking puso, gusto kong magpasalamat sa inyo! Sa inyo na nag-adaptation program sa akin, salamat sa pagtitiwala at pakikinig sa aking mga payo. At sa inyo na nagmula sa ibang ospital, salamat at pinag-katiwalaan nyo ako. At sa mga wala dito sa gabing ito, salamat sa dedikasyon, at sa inyong walang sawang pagmamahal sa nursing profesion.
Kayo ang nagtulak at naging inspirasyon sa akin sa mga nagtaang taon upang ipagpatuloy ang kung ano man ang dapat kong gawin sa aking profesion, at kung di dahil sa inyo matagal ko na sigurong tinalikuran ang pagiging isang nurse.
Muli, maraming salamat sa inyo aking mga kaibigan! SALAMAT!