Natural Speed Please :)
Oktubre 1, 1946 nang hinatulan ng kamatayan ng International War Crimes Tribunal sa Nuremberg ang 12 matataas na opisyal ng Nazi.
Kabilang sa mga akusado sina Nazi Minister of Foreign Affairs Joachim von Ribbentrop, German Air Force at Gestapo Chief Hermann Goering, at Minister of the Interior Wilhelm Frick.
Hinatulan namang makulong ng 10 taon hanggang habambuhay ang pito pang indibiduwal, kabilang ang dating deputy ni Adolf Hitler na si Rudolf Hess. – Jason B. Buan/MB Research